Pinuntahan ni Vice President Leni Robredo sa Camp Crame Custodial Center si Senator Leila de Lima para alamin ang kondisyon ng senadora, gayundin para mapag-usapan ang kanilang kandidatura.
Kabilang si de Lima sa senatorial line-up ng tambalan nina Robredo at Sen. Francis Pangilinan.
Pinasalamatan nito si Robredo sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
“I’m deeply humbled and elated by VP Leni’s visit. Despite her grueling schedule, I am very grateful that she has spent some of her time checking on my condition here at the PNP Custodial Center,” sabi ni de Lima.
Ikinatuwan din ni de Lima na malaman na maganda ang itinatakbo ng pag-iikot sa ibat-ibang bahagi ng bans ani Robredo para maghatid tulong at maglunsad ng kanyang mga programa.
Napagkuwentuhan din ng dalawang Bicolana ang mga kaganapan sa kanilang buhay dahil ayon kay de Lima matagal silang hindi nagkita ni Robredo dahil sa pandemya.
Pinasalamatan na rin niya ito sa pagpapa-unlak sa mga humiling sa kanya na tumakbo sa pagka-pangulo.
“Maraming salamat sa pagtanggap sa hamon, sa idinulot mong pag-asa at inaalay mong pagmamahal, VP Leni. Hangad ko at ng marami ang tagumpay mo, na tagumpay din nating lahat given the dark years that we’ve had in more than half a decade,” ang mensahe ni de Lima kay Robredo.