Pilipinas, nakapagtala ng 1,297 na bagong kaso ng COVID-19

Mahigit 1,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 18), pumalo na sa 2,821,753 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 23,158 o 0.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,297 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

58.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.1 porsyento ang asymptomatic; 19.96 porsyento ang moderate; 12.2 porsyento ang severe habang 5.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 305 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 46,422 o 1.65 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,956 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,752,173 o 97.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...