One-stop shop para sa returning OFWs, biyahero sa Bohol-Panglao Airport inilunsad

DOTr photo

Inilunsad ng Department of Transportation, sa pamamagitan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), katuwang ang Office of Gov. Arthur Yap ng probinsya ng Bohol, ang One Stop Shop (OSS) sa Bohol-Panglao International Airport, araw ng Miyerkules (November 17).

Bandang 5:26 ng hapon, pinangunahan ng DOTr at CAAP, kasama ang ilang ahensya at Bohol PGU representatives, ang pilot implementation ng OSS sa pagpoproseso ng 120 pasahero na dumating mula sa Bangkok, Thailand via Philippine Airlines (PAL) flight PR 731.

“The government has repatriated a lot of OFWs displaced by the COVID-19 pandemic since last year. And there are more of them expected to return, which is why DOTr and CAAP aim to prioritize not only their safety and security in our airports, but more importantly, their convenience in our terminals,” saad ni CAAP Director General Jim Sydiongco.

Layon nitong mabawasan ang paghihirap ng returning OFWs sa pagbiyahe kasunod ng limitadong international arrival capacities sa NAIA, Mactan at Clark.

Inihayag din si Sydiongco ang suporta sa pagdadagdag ng bilang ng international at domestic flights dahil sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions.

Inasistihan ang mga pasahero sa paggamit ng digitized health declaration and contact tracing processes sa naturang paliparan.

Matapos ito, dinala ang mga OFW sa OWWA, habang ang non-OFWs ay ni-refer sa DOT upang maayos ang kanilang swab testing at accommodation.

Nagsagawa rin ang BI ng final screening bago magpasakay ng mga pasahero sa hiwa-hiwalay na bus.

Read more...