COVID 19 protocols sa Senado pinahigpitan pa ni SP Tito Sotto

SENATE PRIB

Matapos mag-positibo si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa COVID 19, ipinag-utos ni Senate President Vicente Sotto ang mas istrikto pang health and safety protocols sa Senado.

Sa inilabas na abiso mula sa kanyang tanggapan, ang lahat ng bisita at resource persons na papasok ng Senate Building ay kinakailangan na mag-prisinta ng negative RT-PCR result o negative antigen result sa loob ng 24 oras matapos sumailalim sa testing.

Bukod pa dito, kinakailangan din na ipakita ng bisita ang kanyang vaccination card at magprisinta ng medical certificate na magpapatunay na ang bisita ay walang nararanasang anumang sintomas ng nakakamatay na sakit.

“The Health Protocol requirement should be submitted to the medical staff on duty of the day of their visit. Likewise, the names of the visitors, guests, and resource persons must be submitted to the Sergeant-at-Arms at least one day before their scheduled appearance,” ayon sa abiso na para sa mga opisyal at empleado ng Senado.

Dumalo si Lorenzana sa budget deliberations ng pinamumunuan niyang kagawaran noong nakaraang Martes at kahapon ay lumabas na taglay niya ang sakit.

Bunga nito, ang lahat ng budget deliberations ngayon araw ay kinansela at ipagpapatuloy na lamang sa darating na Lunes, Nobyembre 22.

Read more...