Sa botong 197 yes at walang pagtutol, napagtibay ang House Bill 10245 para sa pagbuo ng Philippine Electronic Health o e-Health System and Services.
Layon nitong palakasin ang pagpapatupad ng Universal Health Care law.
Ayon kay Quezon Rep. at House Committee on Health chair Angelina Tan, mahalaga ang e-Health system para mas mapalawak pa ang access sa de kalidad at tamang impormasyon, lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kailangan din aniyang masigurong naibibigay sa publiko ang pantay na atensyong medikal, lalo na sa mahihirap na Pilipino.
Oras na maging batas, magkakaroon ng independent body na tatawaging e-Health Policy and Coordination Council na gagawa ng mga patakaran at hakbang para sa epektibong pagpapatupad ng e-Health system.