Sen. Bong Go dumistansiya sa pagtanggi ng PDP-Laban ng suporta kay Mayor Sara Duterte

Nilinaw ni Senator Christopher Go na sa kanyang pagkakaalam ay walang tinatanggihan ang PDP-Laban.

Sabi pa nito bahala na ang pamunuan ng partido na bigyan linaw ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na sinubukan nitong hingiin ang suporta ng partido na pinamumunuan ng kanyang ama ngunit tinanggihan siya.

“With regard to Mayor Sara, we always wish her well. As I have said earlier, kung ako lang ang tatanungin, siya ang aking sinusuportahan sa pagka-Bise Presidente,” sabi pa ni Go.

Kaugnay naman sa isyu na tila inabandona nila ni Pangulong Duterte ang PDP-Laban, matibay ang alyansa ng kanilang partido sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Nagbitiw si Go bilang vice-presidential candidate ng PDP-Laban at tumakbo na lamang ito sa pagkapangulo sa ilalim ng PDDS.

“We have joined the PDDS and have followed the internal rules and processes of both PDDS and PDP Laban. We are committed to the PDDS-PDP Laban alliance and will support the  common candidates of both parties,” diin niya.

Read more...