Singson kay Pacquiao: “Umatras ka na”

“Umatras ka na.”

Payo ito ni Narvacan Mayor Chavit Singson sa kanyang matalik na kaibigan na si Senador Manny Pacquiao na kakandidatong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Sa ekslusibong panayam, sinabi ni Singson na hindi naman kwalipikado si Pacquiao na maging pangulo ng bansa.

Una kasi, ayon kay Singson, kailangan edukado ang isang kandidato. Kung hindi naman, dapat malawak ang karanasan sa pulitika. Sa katauhan ni Pacquiao, sinabi ni Singson na wala ang senador.

Naniniwala si Singson na wala sa bituin ni Pacquiao ang maging pangulo ng bansa.

Pinaiikot lang aniya ng mga handler si Pacquiao at pinaniniwalang malaki ang tsansa na manalo sa Pacquiao.

Nanghihinayang si Singson na maubos lamang ang pera ni Pacquiao sa pangangampanya.

Read more...