Ikalawang 97-meter multi-role response vessel ng PCG, ilulunsad sa Japan
Nakatakdang ilunsad ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MMRV) na kinuha ng Department of Transportation (DOTr) para sa Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2).
Ilulunsad ang ikalawang MMRV sa Shimonoseki Shipyard ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. sa Japan sa araw ng Huwebes, November 18, 2021.
Oras na maipadala, ang dalawang MRRV ang pinakamalaking vessel ng PCG.
Inaasahang makatutulong ang MRRVs sa maritime security at maritime safety capabilities ng ahensya.
Maaring magamit ang mga barko para sa maritime patrols sa mga teritoryo ng bansa, kabilang ang West Philippine Sea at Philippine Rise.
Mapapalakas din nito ang maritime search and rescue, maritime law enforcement, at maging ang humanitarian assistance at disaster response operations ng PCG.
Inaasahang darating sa Maynila ang unang 97-meter MRRV sa March 2022, habang ang ikalawang barko ay darating sa May 2022.
Ang MSCIP Phase 2 ay isang Japanese-assisted project na pinondohan ng isang Official Development Assistance (ODA) Loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagkakahalaga ng JPY 16,455,000,000 (JPY 16.5 billion).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.