Malakanyang pinasasagot ng SC sa petisyon ng Senado ukol sa ‘in aid of legislation’ hearings

By Jan Escosio November 17, 2021 - 12:19 PM

Inutusan ng Korte Suprema sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Health Secretary Francisco Duque III na sagutin ang petisyon ng Senado na ideklarang labag sa Saligang Batas ang pagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na dumalo sa pagdinig na ipinatatawag ng mga senador.

Binigyan lamang ng 30 araw sina Medialdea at Duque para sagutin o magbigay komento sa hirit ng mga senador na temporary restraining order (TRO) at sa petisyon.

Bukod sa nais ng mga senador na maideklarang ‘unconstitutional’ ang utos ng Malakanyang, nais din nilang hindi muna ito masunod habang wala pang pinal na desisyon ang Korte Suprema.

Giit ng mga senador ang memorandum ng Malakanyang ay paglabag sa ‘principle of separation of powers’ ng Executive at Legislative, na magkahiwalay na sangay ng gobyerno.

Unang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete at opisyal na huwag makilahok sa mga pagdinig sa Senado sa katuwiran na nasasayang lamang ang kanilang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.