Nakaboto na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kaniyang hometown sa lalawigan ng Tarlac.
Alas 9:30 ng umaga dumating ng Central de Azucarera de Tarlac Elementary School si Pangulong Aquino pero dahil marami nang botante ang nakapila nang siya ay dumating bago mag alas 10:00 na ng umaga nang siya ay makaboto.
Matiyaga namang pumila ang pangulo para makaboto sa precinct 175-A.
Maayos naman ang pila sa nasabing paaralan at naglaan ng mga upuan na pwedeng gamitin ng mga botanteng pipila sa labas ng polling precinct.
Kasama ni Pangulong Aquino ang kaniyang mga kapatid na sina Ballsy Cruz at Pinky Abellada na bumoto,
Pagkatapos bomoto ay agad ding babalik sa Malakanyang ang pangulo para i-monitor ang takbo ng eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES