Mayor Isko dedma sa mga substitutions ng mga kandidato
Hindi na pinapansin ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga pagpalit-palitan ng mga kandidato na lalahok sa 2022 national election.
Sinabi ni Team Isko campaign head Lito Banayo, nakasentro ang atensyon ni Domagoso sa kanilang mga plano at istratehiya para pamunuan ang bansa.
Dagdag pa nito, bentahe sa kanila na nagkakagulo ang kanilang mga kalaban habang sila ay abala sa pagpapaliwanag ng kanilang mga programa sa sambayanan.
Diin nito, walang pakialam si Domagoso kahit sino pa ang ibang kandidato sa pagkapangulo.
Magugunita na umatras si Sen. Ronald dela Rosa bilang standard-bearer ng PDP-Laban at siya ay pinalitan ni Sen. Christopher Go, na walang running mate.
Hindi na rin naikasa ang unang plano ng administration party na patakbuhin sa pagka-pangalawang pangulo si Pangulong Duterte.
Samantala, si Davao City Mayor Sara Duterte naman ay ka-tandem ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.