Sen. Francis Tolentino nabahala sa ‘pagtalikod’ sa Pilipinas ng Filipino athletes para sa ibang bansa
Nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Senator Francis Tolentino sa pangingibang bansa ng mga kilalang atletang Filipino para maglaro para sa ibang bansa.
Diumano ang kakulangan ng sapat na suporta ng gobyerno ang dahilan ng kayat mas pinipili ng mga atleta na maglaro para sa ibang bansa.
Inihayag ni Tolentino ang pagkabahala sa deliberasyon ng panukalang P375 million 2022 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at nabanggit niya ang ‘defection’ nina golfer Yuka Saso at chess grandmaster Wesley So.
“Paano natin matitigil ito? Is there a program reflective in the budget of PSC to prevent poaching? Is there a Balik Pilipinong Atleta Program?” tanong ng senador.
Binanggit din ni Tolentino ang paglalaro ng ilang players ng Philippine Basketball Association (PBA), na ang ilan ay miyembro pa ng national team, sa liga sa Japan.
Ipinanukala nito sa PSC na makipag-ugnayan sa ibang bansa para matigil na ang pagpunta sa ibang bansa ng mga atletang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.