Maaaring palawigin ang oras ng botohan sa mga lugar na hindi agad gumana ang VCM

By Erwin Aguilon May 09, 2016 - 11:14 AM

Kuha ni Eric Borromeo
Kuha ni Eric Borromeo

Maari pang palawigin ang oras ng botohan ngayong araw.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ay kasunod ng mga ulat na maraming mga vote counting machine ang gumana.

Sinabi ni Jimenez, kung gaano katagal ang oras na nabinbin ang pagdaraos ng eleksyon ay ganoon ding katagal ang oras na idaragdag dito.

Gayunman nilinaw ni Jimenez na ito ay posibilidad pa lamang dahil kailangan pa ng Comelec resolution para maisakatuparan ito.

Wala pa rin naman anya silang natatanggap na official report ukol sa mga di nag function na VCM.

Kaugnay naman sa mga balota na hindi tanggapin ng VCM dapat anyang apat na beses itong subukan bago ideklara ng BEI na rejected ballot.

Dapat ding hindi pagkakamali ng botante ang dahilan ng pag-reject ng VCM sa balota.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.