Partido Federal ipinagmalaki ang Bongbong Marcos – Sara Duterte tandem

Lubos na ipinagmamalaki ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang pagsasanib-puwersa nina dating Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Durerte para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sa inilabas na pahayag ng PFP, sinabi na matatag ang tambalang Marcos – Duterte.

Naniniwala din ang partido na ang tambalan ang magiging daan sa pagbangon ng bansa.

“Through their unifying partnership, with the help of the PFP – Lakas CMD coalition and our allies, we can begin the noble task of nation building,” ayon sa partido.

Nagsisilbing chairman ng PFP si Marcos, samantalang kumalas si Duterte sa Hugpong ng Pagbabago bago sumanib sa Lakas – CMD.

Samantala, ang Kiusang Bagong Lipunan (KBL), ang partido na binuo ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, ay nagpahayag na ng pagsuporta sa tambalang Marcos – Duterte.

Read more...