46 anyos na babae, nasawi habang naghihintay na makaboto

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2016 - 10:56 AM

CDN Photo
CDN Photo

Isang 46-anyos na babae ang bigla nalamang nawalan ng malay at tuluyang nasawi habang ito ay nakapila sa Bagong Bayan Elementary School sa Barangay Careta, Cebu City para sana bumoto.

Ang ginang na si Terry Pañeza, ay hindi na inabutang buhay ng mga rumespondeng medics sa nasabing eskwelahan.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, nakapila si Pañeza sa polling precinct kasama ang mga kapitbahay niya para bumoto nang bigla itong nawalan ng malay dakong alas 7:50 ng umaga.

Sinabi ng mga medical personnel, posibleng inatake si Pañeza dahil na rin sa matinding init ng panahon.

May natanggap ding report ang command center ng Cebu City na isang 59 anyos na ginang ang nawalan din ng malay sa loob ng polling precinct sa Camputhaw Elementary School, Barangay Camputhaw, Cebu City.

Nailigtas naman ng medics si Ginang Rosita Abrigana at agad itong naisugod sa Cebu City hospital.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.