Sen. Bong Go, inayudahan ang mga residente sa Bunawan at Trento sa Agusan del Sur

By Chona Yu November 16, 2021 - 06:21 PM

Namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa vulnerable sectors at mga komunidad sa Agusan del Sur.

Sa kanyang video message sa libu-libong residente sa Bunawan at Trento, umapela si Go na ipagpatuloy ang pagiging responsableng mamamayan at pakikipagtulungan sa mga panahong walang katiyakan, kasabay ng pagtiyak na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang suportahan ang mga labis na naapektuhan ng pandemya.

“Totoo pong mahirap ang buhay ngayon, pero ang pangunahing layunin muna natin ay ang maitigil ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa para mas mapabilis ang pagbalik natin muli sa normal na pamumuhay,” pahayag ni Go.

“Ang ating pagiging mga responsableng mamamayan na nagmamalasakit sa kapwa at nakikisama sa bayanihan ay ang susi sa ating mabilis na pag-ahon sa krisis. Magtulungan tayo para hindi bumagsak ang ating healthcare system habang binabalanse natin na pasiglahin muli ang ating ekonomiya,” dagdag pa niya.

Binigyang diin din ni Go na mananatili siyang nakatutok sa pagsisilbi sa mga Filipino sa abot ng kanyang makakaya upang makatulong na maibsan ang kanilang paghihirap dulot ng krisis. Nanawagan din siya sa kanyang kapwa public servants na magtulong-tulong at bigyan ng kinakailangang suporta ang mga nangangailangan upang mapabilis ang pagbangon ng bansa.

“Sabi ko nga, mamaya na muna ‘yung pulitika, tapos na ‘yung filing, let’s go back to work. Unahin po natin ‘yung pagseserbisyo para sa ating mga kababayan bago ang halalan. At bakuna muna bago pulitika,” sabi ni Go.

“Ang importante muna, focus tayo sa ating pagbabakuna. Focus tayo na malagpasan itong krisis na ito at focus tayo sa pagresolba nitong pandemya at ito pong economic crisis na ating kinakaharap,” dagdag pa niya.

Nagbigay ang outreach team ng senador ng meals, vitamins at masks sa kabuuuang 2,148 na mga residente sa Brgy. Poblacion Court at Bunawan National High School sa Bunawan, at covered courts sa mga barangay Pulang Lupa at Poblacion sa Trento.

Pinagkalooban din ang ilang residente ng bagong sapatos at bisikleta, maging ng computer tablets na maaring magamit ng mga bata sa kanilang pag-aaral.

Tiniyak ng team na organisado at ligtas ang pamamahagi at hinati ang mga benepisyaryo sa maliliit na grupo upang maiwasan ang banta ng COVID-19.

Sa hiwalay na distribusyon, namahagi ang team mula sa Department of Social Welfare and Development ng financial assistance habang ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority, ay nag-evaluate ng potential individuals para sa kani-kanilang assistance programs.

Bilang bahagi ng kanyang commitment sa pagbibigay ng quality health care services sa mahihirap, hinimok ni Senador Go, na siyang Chair ng Senate Committee on Health, ang mga residente na may karamdaman na bumisita sa Democrito O. Plaza Memorial Hospital sa Prosperidad kung saan maari nilang ma-avail ang tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Malasakit Center.

Winakasan ni Go ang kanyang mensahe sa pagpapasalamat sa mga lokal na opisyal ng Bunawan at Trento sa kanilang pagtutulungan at pagtiyak na ang nasasakupan ay well-supported sa panahon ng krisis.

“Alam kong nahihirapan po kayo, kami rin po ni Pangulong Duterte ay nahihirapan din po. Subalit kayo po ang nagbibigay lakas sa amin para malampasan po natin itong krisis na ating kinakaharap. Kailangan natin magtulungan,” pagtatapos ni Go.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, sinuportahan ni Go ang maraming inisyatiba sa lalawigan, kabilang na ang rehabilitasyon ng ilang kalsada at pagtatayo ng slaughterhouse at public market sa Bunawan; at paglalagay ng reinforced concrete pipe culvert with pavement widening sa Trento.

Namahagi rin ang outreach program ni Go ng kaparehong relief sa libu-libo pang mga residente sa mga lungsod ng Bayugan at Butuan, at sa mga bayan ng Loreto, La Paz, Rosario, San Francisco, at Esperanza.

TAGS: BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.