Panukalang ‘menu labelling’ sa mga restaurant, sumalang sa komite sa Kamara
Tinalakay sa pagdinig ng House Committee on Health ang mga panukala para obligahin ang mga food service establishment o mga restaurant na lagyan ng nutritional information ang kanilang mga pagkain.
Mayroong siyam na panukalang naihain sa Kamara na layong maiwasan ang obesity o sobrang katabaan at ang mga pagkaing nakasasama sa kalusugan.
Sa pagdinig, binigyang diin ni committee chairman, Quezon Rep. Angelina Tan ang kahalagahan na nakikita ang calorie at nutritional information ng pagkain para mabantayan ang dyeta ng bawat indibidwal.
Sa ganitong paraan, mabibigyan aniya ng mas matalino at malusog na food choices ang publiko na makatutulong na maiwasan ang chronic diseases tulad ng sakit sa puso at diabetes.
Nakasaad sa mga panukala na kinakailangang ipakita ng food establishments sa customers ang dami ng calories, carbohydrates, saturated fat, protina, asin, at iba pang mahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.