Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.12 milyon na
Lagpas 5.12 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,122,004 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 784,779.
Sumunod na rito ang Brazil na may 611,384 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 463,852 naman ang death toll sa India habang 291,204 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 256,597
– Peru – 200,672
– Indonesia – 143,670
– United Kingdom – 142,945
– Italy – 132,819
– Iran – 128,272
– Colombia – 127,833
– France – 118,224
– Argentina – 116,250
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 254,589,978 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 230,190,379 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.