Age restrictions ng mga bata sa mga malls ibinabala ni Pangulong Duterte
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units na magpasa ng ordinansa para higpitan ang pagpunta ng mga bata sa mga malls at iba pang pampublikong lugar.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga bata laban sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, batid niya ang kagustuhan ng mga magulang na maipasyal na ang mga bata.
Pero hindi pa bakunado ang mga bata at wala pang depensa laban sa virus.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos maiulat na isang bata na dalawang taong gulang ang nag-positibo sa COVID-19 matapos mamasyal sa mall.
Nakiusap din ang Pangulo sa mga magulang na kung maaring siguraduhin na protektahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.
Sa ngayon, tanging ang mga batang nag-eedad 12 hanggang 17 anyos ang binabakunahan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.