400,000 na edad 12 hanggang 17, nabakunahan kontra COVID-19

Manila PIO photo

Nasa 10 lamang sa halos 400,000 na edad 12 hanggang 17 ang nakaranas ng side effects matapos maturukan ng COVID-19 vaccines.

Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at aniya, ilan lang sa side effects ay pananakit ng katawan, allergies at hyperventilation.

Sinabi niya na ang mga ito ay agad naman nabigyan ng sapat na atensyon.

“So far, yung monitoring natin, siguro mga 400,000 na yung nabakunahan na mga bata, wala naman tayong nakikita na adverse events na grabe, na talaga pong nagkaroon ng problema,” aniya.

Kaya’t hinikayat niya ang mga magulang na pabakunahan na ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit ang kanilang mga anak kung may oportunidad.

Paliwanag niya, tanging ang mga may comorbidities lamang ang kinakailangang magpakita ng medical certificate sa kanilang doktor bago bakunahan.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na may 12,722,070 sa bansa ang nasa edad 12 hanggang 17.

Read more...