Presyo ng gasolina, magkakaroon ng rollback

By Angellic Jordan November 15, 2021 - 03:22 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo.

Sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may bawas na P0.90 sa kada litro ng gasolina habang walang magiging pagbabago sa presyo ng diesel.

Magkakaroon naman ng P0.10 na rollback sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (November 16).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.