Ilang polling centers nawalan ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2016 - 08:57 AM

Tacloban City/Kuha ni Ricky Brozas
Tacloban City/Kuha ni Ricky Brozas

Nakaranas ng power interruption ang ilang polling center sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Meralco, naapektuhan ng power interruption ang Ransohan Elementary School sa Lucena, Quezon.

Ito ay dahil sa mga poste ng kuryente na naapektuhan ng wildfire sa lugar.

Sinabi ng Meralco na may naitalaga nang generator sets sa eskwelahan at tinatayang alas 11:00 ng umaga ay inaasahang maibabalik ang suplay ng kuryente.

May iniulat din ang Meralco na walang kuryente sa ngayon sa Sampaloc II Elementary School dahil sa problema sa laodside breaker.

Inaalam pa ng Meralco kung anong oras maibabalik ang kuryente sa nasabing paaralan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.