Sen. de Lima pinuna ang kabiguan ng gobyerno na tugunan ang takot sa COVID 19 vaccines

By Jan Escosio November 14, 2021 - 02:59 PM

Binatikos ni Senator Leila de Lima ang gobyerno sa pagdami pa ng mga  nangangamba at nagdududa ng mamamayan sa COVID 19 vaccines.

Sinabi ni de Lima na base sa OCTA Research survey noong Setyembre 11 hanggang 16, 22 porsiyento sa 1,200 Filipinos ang nagsabi na hindi sila magpapabakuna, na nagpakita pa ng pagtaas ng anim na porsiyento mula sa 16 porsiyento noong Hulyo.

“Since Day 1, the government’s so-called solution on issues surrounding vaccine hesitancy among Filipinos has been dependent on fear and coercion instead of concrete and scientific solutions, such as, but not limited to, intensified information drive to educate people of the pros of inoculation and a campaign that would help build public trust on vaccines,” sabi ng senadora.

Aniya wala mapapala kung ang mamamayan pa ang sisihin at kung ang paraan ay pananakot at pagkakait ng serbisyo ng gobyerno para kumbinsihin ang mamamayan na magpabakuna.

Pinakamarami sa mga takot na magpabakuna sa Visayas sa 32 porsiyento, Luzon (24 porsiyento, Mindanao sa 19 porsiyento at Metro Manila sa limang porsiyento.

Aniya ang kailangan pa ay magbigay ng insentibo at hindi takutin ang mga may pagdududa sa bakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.