(PDP-Laban)
Tatakbong pangulo ng bansa si Senador Christopher “Bong” Go sa 2022 elections.
Personal na nagtungo si Go kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila ngayong hapon, Nobyembre 13, 2021 para maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.
Kakandidato si Go sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) na political party ni senatorial aspirant Greco belgica.
Kasabay ng paghain ng kandidatura, iniurong ni Go ang kanyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban.
MOST READ
LATEST STORIES