Sara Duterte kakandidatong bise presidente

By Chona Yu November 13, 2021 - 02:13 PM

Photo credit: Office of Rep. Martin Romualdez

Tinuldukan na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga espekulasyon kung tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections.

Nagtungo si Atty. Charo  Munsayac sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila para maghain ng certificate of candidacy ni Duterte sa pagka-bise presidente.

Tatakbo si Duterte sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrat na partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Papalitan ni Duterte si Lyle Uy na nagtungo sa Comelec para i-withdraw ang kanyang kandidatura.

Matatandaan na noong Martes, iniurong ni Duterte ang kanyang pagtakbong muli bilang mayor ng Davaao. Araw ng Miyerkules, nagbitiw si Duterte bilang chairman ng regional aprty na Hugpong ng pagbabago at noong Huwebes ay nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Hindi naman pa tinukoy ng kampo ni Duterte kung si presidential aspirant at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

 

TAGS: 2022 elections, bise presidente, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, 2022 elections, bise presidente, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.