116 na magsasaka sa Negros Occidental binigyan ng lupa ng DAR
(DAR photo)
Aabot sa 116 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Negros Occidental ang tumanggap ng titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform.
Nabatid na ang mga ipinamahaging lupa ay pribadong lupa na pag-aari ni Marie Marquez at Shantung Commercial sa Barangay 10 , Victorias City, Negros Occidental.
Ipinamahagi ang lupa sa pamamagitan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA).
Namahagi rin ng titulo ang ahensya sa mga magsasaka kung saan ang lupain ay dating pinamamahalaan nina Norah Lopez, Marie Josephine Marquez, at Tagabenit Farm Ventures, Inc., sa Brgy. 14 (Norah Lopez property) at Brgy. 10 (Marie Josephine Marquez and Tagabenit Farm Ventures, Inc. properties).
Pinaalalahanan ni Municipal Agrarian Reform Program Officer (MARPO) Ma. Jade Sollesta, na siyang namuno sa pamamahala ng seremonya, ang mga ARB na alagaan at pagyamanin ang lupang ibinigay sa kanila dahil naniniwala siya na ito ang magiging instrumento upang umunlad ang kanilang pamumuhay.
“Tandaan din ninyo ang inyong mga responsibilidad na bayaran ang buwis at amortisasyon sa lupain sa tamang oras,” pahayag ni Sollesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.