Ipinagbabawal ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish na hango sa ilang baybaying dagat dahil sa positibo sa red tide.
Ayon sa BFAR, mataas ang paralytic shellfish poison sa mga baybaying dagat ng Dauis atTagbilaran City sa Bohol; Biliran Island; Daram Island, Maqueda, Villareal, Cambatutay, Irong-Irong, at San Pedro Bays sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Baroy sa Lanao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Positibo rin sa red tide ang baybaying dagat ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal).
Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng shellfish lalo na ang alamang na nakukuha sa mga nabanggit na lugar.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin na sariwa, hinugasan at nilutong mabuti.
Ayon sa BFAR, kailangan na tanggalin ang kaliskis at hasang bago lutuin.
Samantala, ligtas na sa red tide ngayon ang mga baybaying dagat ng Carigara Bay at Leyte, Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.