Pilipinas magpapatupad ng travel ban sa Faroe Islands, Netherlands
Magpapatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero mula Faroe Islands at Netherlands.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama na sa ‘red list’ ang dalawang nabanggit na bansa dahil sa kaso ng COVID-19.
Magsisimula ang travel ban sa Nobyembre 16 at tatagal ng hanggang Nobyembre 30, 2021.
Tanging ang mga Filipino na pauwi lamang ng bansa sa pamamagitan ng government-initiated repatriation, non-government-initiated repatriation, at Bayanihan flights ang papayagang makapasok ng bansa pero kailangan sumailalim sa testing at quarantine protocols.
Samantala, updated na ang listahan ng “green list” of countries, kung saan ang mga biyahero na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay hindi na kailangang sumailalim sa facility-based quarantine pero kailangan ng negative RT-PCR results.
Ito ay ang:
– American Samoa
– Bhutan
– Chad
– China (Mainland)
– Comoros
– Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
– Falkland Islands (Malvinas)
– Federated States of Micronesia
– Guinea
– Guinea-Bissau
– Hong Kong (Special Administrative Region of China)
– India
– Indonesia
– Japan
– Kosovo
– Kuwait
– Kyrgyzstan
– Malawi
– Mali
– Marshall Islands
– Montserrat
– Morocco
– Namibia
– Niger
– Northern Mariana Islands
– Oman
– Pakistan
– Palau
– Paraguay
– Rwanda
– Saint Barthelemy
– Saint Pierre and Miquelon
– Saudi Arabia
– Senegal
– Sierra Leone
– Sint Eustatius
– South Africa
– Sudan
– Taiwan
– Togo
– Uganda
– United Arab Emirates
– Zambia
– Zimbabwe
Nasa yellow list naman ang mga bansang hindi nabanggit sa listahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.