Sandiganbayan nagpalabas ng ‘promulgation’ sa kasong kinasasangkutan ng dating kongresista ng 2nd district ng Caloocan City; ex-Rep. Mitch Cajayon “absuwelto” sa isinampang ‘graft case’

By Chona Yu November 12, 2021 - 03:59 PM

Abswelto na sa isinampang kaso sa sandiganbayan si dating Caloocan City Second District Representative Mitch Cajayon-Uy.

Sa 92-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, acquitted na si Cajayon sa mga kasong dalawang counts ng graft na may kinalaman sa malversation of public funds at falsification of public documents.

Idinawit ang dating mambabatas sa umano’y maling paggamit ng P10 milyong pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya pa ang kongresista sa Caloocan noong 2009.

Sa isang press conference sa Quezon City, ilang beses na naiyak ang dating mambabatas dahil sa loob aniya ng halos anim na taon ay labis na naapektuhan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang mga anak na pawang mga menor de edad.

Ikinatuwa ni Cajayon ang unanimous at patas na desisyon ng anti-graft court na nag-base lamang sa mga iprenisintang ebidensya.

Giit ni Cajayon-Uy, vindicated na siya sa isang political persecution na inihain laban sa kanya noong 2015, panahon ng Aquino administration.

Si Cajayon-Uy ay kabibitiw lamang sa pwesto bilang Executive Director ng Council for the Welfare of Children ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at tumatakbong muli bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City.

TAGS: abswelto, Caloocan City Second District Representative Mitch Cajayon-Uy, news, PDAF, Radyo Inquirer, sandiganbayan, abswelto, Caloocan City Second District Representative Mitch Cajayon-Uy, news, PDAF, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.