Weekend road repair, itutuloy ng DPWH sa EDSA

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repairs sa ilang kalsada sa EDSA.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (November 12).

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Quezon City bago ang Anapolis Street hanggang bago ang Boni Serrano flyover Northbound (2nd lane mula sa center island)
2. EDSA Tramo Flyover Pasay City

Maari namang daanan ang nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (November 15).

Abiso sa mga motorista, pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Read more...