Sen. Bong Go umapila ng cash incentives sa vaccinated 4Ps beneficiaries

By Jan Escosio November 12, 2021 - 11:05 AM
Umapila si Senator Christopher Go na bigyan pa ng cash incentive ang mga bakunadong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Paliwanag niya sa ganitong paraan ay mahihikayat pa ang iba na magpabakuna na ng proteksyon laban sa COVID 19. “Mahirap maging mahirap. Kaya huwag nang pahirapan pa ang mga naghihirap,” aniya. Sabi pa ni Go; “Nananawagan ako kay Pangulong Duterte na magbigay tayo ng cash incentives para mahikayat ang mga 4Ps members na magpabakuna na sa lalong madaling panahon.” Kinakailangan lang aniya na fully vaccinated na para makatanggap ng karagdagang insentibo. Base sa datos mula sa DSWD, 16% lamang mg 4.17 million active 4Ps beneficiaries ang nabakunahan na hanggang noong Oktubre 29.

TAGS: 4Ps, bong go, cash incentives, news, Radyo Inquirer, 4Ps, bong go, cash incentives, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.