Tamabalang Binay-Honasan, maagang nakaboto
Kapwa nakaboto na ang mga pambato ng United Nationalist Alliance na sina Vice President Jejomar Binay at si Senator Gringo Honasan.
Si Binay ay maagang dumating sa San Antonio High School sa Makati, ilang minuto bago pa magsimula ang pagbubukas ng polling precincts.
Kasama ng bise presidente na bumoto ang kaniyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay.
@VPJojoBinay at dating Makati Mayor Junjun Binay, tapos nang bumoto. @dzIQ990 #VotePH2016 pic.twitter.com/u0po5QF4vG
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) May 8, 2016
Ang nasabing paaralan ay walking distance lamang mula sa bahay ni VP Binay.
Bahagya pang nagkaproblema dahil sa dami ng media na nais mai-cover ang pagboto ni Binay ay nahugot ang saksakan ng vote counting machine (VCM) habang ipinapasok ng bise presidente ang kaniyang balota.
Mabuti na lamang at mayroong baterya ang VCM kaya hindi naman ito namatay.
#VotePH2016 | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/JVAOrQqrYj
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 8, 2016
Sa Nativity of Our Lady Parochial School sa Marikina City ay maaga ding dumating si Honasan na ka-tandem ni Binay.
Kasama ni Senator Honasan na bumoto ang kaniyang anak.
Sinabi ni Honasan na maayos ang naging proseso ng pagboto sa nasabing paaralan at umaasa siyang magiging maayos ang proseso ng eleksyon sa iba pang mga lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.