Gobyerno bumili na ng 20M doses para sa ‘booster shots – Galvez

By Jan Escosio November 12, 2021 - 11:04 AM

Photo credit: Ambassador of Japan in the Philippines
Inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sinimulan na ang pagbili ng paunang 20 million doses ng COVID 19 vaccines para magamit na ‘booster shots.’ Aniya ang ipambibili ng mga bakuna ay mula sa natipid sa pondo ngayon taon. Ayon kay Galvez ngayon taon, 197 million doses ang makukuha ng Pilipinas kabilang na ang mga binili ng gobyerno at pribadong sektor, gayundin ang mga donasyon mula sa COVAX facility ng WHO. Hanggang noong Miyerkules, nakatanggap na ang Pilipinas ng 118,112,370 COVID-19 vaccine doses. Dagdag pa niya, sa ngayon 100% na ng target population ng Metro Manila ang nabakunahan na kahit ng first dose lamang. “We laud the efforts of our Metro Manila mayors in achieving this milestone. This proves that we remain on track with our vaccination targets. Truly, nothing is impossible if we all work together. A better Christmas is now at hand,” sabi ng opisyal.

TAGS: booster shots, Carlito Galvez, COVID-19, news, Radyo Inquirer, vaccines, booster shots, Carlito Galvez, COVID-19, news, Radyo Inquirer, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.