Babakunahan ang mga walk-ins sa tatlong araw na national vaccination drive.
Ito ang sinabi ni Dr. Kezia Rosario, ng National Vaccination Operation Center (NVOC) at aniya hindi na kailangan pang may appointment para sa proyekto na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang sa unang araw ng Disyembre.
“If they are willing po on those days, dapat freely po silang maka-receive ng vaccination at mahikayat natin sila even anywhere they are on that day,” dagdag pa ni Rosario.
Pagtitiyak niya, hindi na rin pahirapan ang requirement para maturukan ng COVID 19 vaccine at aalisin ang ilan sa requirement ng LGUs kayat maaring valid ID lamang ay tatanggapin sa vaccination sites.
“Except those iyong may mga kailangan talaga ng medical certificate. Other than that po, madali lang po tayong maka-access ng serbisyo on that day,” sabi pa ng opisyal.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Filipino sa tatlong araw na bakunahan.