Naniniwala si Senator Ronald dela Rosa na magkakaroon ng maling epekto sa anti-insurgency campaign ng gobyerno ang pagbaba sa P4 bilyon mula sa P28 bilyon ng pondo sa susunod na taon ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Partikular na binanggit ni dela Rosa ang Barangay Development Programs ng ahensiya.
“These projects and programs are game-changers for our problems in insurgency. The root causes of insurgency are poverty and social injustice brought about by decades of government neglect. If these are not addressed, then we will not find a solution to our insurgency problem. This NTF-ELCAC is the solution. It would address the social inequality and social injustice that is happening in far-flung barangays and being exploited by the insurgents,” diin ng senador.
Paliwanag naman ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Finance Committee, mayorya ng mga senador ang nagdesisyon na tapyasan ang pondo ng NTF-ELCAC.
Ito aniya ay bunsod na rin ng kabiguan ng mga kinauukulang ahensiya na ipaliwanag ang pinagkagastusan ng kanilang pondo sa mga programa ng NTF-ELCAC.
Dagdag paliwanag pa ni Angara kay dela Rosa mas kailangan ng pondo para sa COVID 29 response dahil sa banta ng pagbagsak ng public health system ng bansa.