Mga guro sa Las Piñas, maagang gumayak para sa halalan

 

File photo Inquirer

Gabi pa lamang ng Linggo ay tumungo na ang ilang mga guro sa munisipyo ng Las Piñas City upang kunin ang mga balota at dalhin na sa mga presintong dapat nitong pagdalhan.

Maaga nang nag-handa ang mga gurong magsisilbing board of election inspectors (BEIs) para sa halalan na gaganapin mamaya.

Iginayak na ng mga guro ang pagdadala nito sa pamamagitan ng 40 na jeep para handa na sila pagdating ng alas-7 ng umaga sa pagbubukas ng kani-kanilang mga presinto.

Samantala sa Marikina naman, napalitan na ang mga vote counting machines (VCMs) na pumalya sa final testing at sealing.

Ayon kay Marikina Election Officer Eric Santos, dalawang VCMs ang pinalitan ng Smartmatic sa mismong pagsasagawa ng final testing and sealing noong Martes.

Read more...