Sen. Francis Tolentino pinadagdagan ang budget sa climate change programs
Hindi naitago ni Senator Francis Tolentino ang labis na pagkadismaya sa nailaan na pondo mula sa higit P5 trillion 2022 national budget para sa climate change initiatives.
Diin ni Tolentino sa deliberasyon sa Senado sa pambansang pondo sa susunod na taon kinakailangan ang mas malaking pondo para matupad ng Pilipinas ang mga naipangakong ambag sa pandaigdigang kasunduan ukol sa climate change.
“The Philippines plans to lead climate change response and mitigation but its budget is miniscule,” sabi ni Tolentino.
Aniya ang nailaan na pondo sa susunod na taon ay hindi sapat para suportahan ang ipinangako ni Finance Sec. Carlos Dominguez III sa ginanap na COP26 sa Glasgow, Scotland.
Nakiusap din si Tolentino kay Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, na masunod ang Mandanas ruling ukol sa climate change ng mga lokal na pamahalaan.
Bilang tugon, tiniyak ni Angara na may mandato ang mga LGUs na magkaroon at magpatupad ng climate change action plan.
Dagdag pa nito, ang Departments of Agrarian Reform, Agriculture, Energy, Environment and Natural Resources, Foreign Affairs at Health ay may kanya-kanyang pondo para sa kanilang mga programa ukol sa climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.