3-M pang doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating na sa Pilipinas

Screengrab from PTV Facebook video

Dumating na ang karagdagang tatlong milyong dose ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.

Lumapag ang Philippine Airlines (PAL) Flight PR 359 na may dala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Huwebes ng gabi.

Binili ng gobyerno ng Pilipinas ang panibagong batch ng mga bakuna.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagsasagawa ng national vaccination drive mula November 29 hanggang December 1, 2021.

Read more...