House special panels tinalakay ang SC, PWDs benefits sa online transactions

By Jan Escosio November 11, 2021 - 06:43 PM

Natukoy ng House Special Committee on Senior Citizens ang mga isyu sa pagpapatupad ng mga batas para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa pag-usisa sa problema sa pagbibigay ng diskuwento sa online transactions.

Sinabi ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes na tatlong mahahalagang punto ang lumabas sa pinamunuan niyang hybrid hearing katuwang ang Special Committee on Persons with Disabilities ni Negros Occidental Rep. Ma. Lourdes Arroyo.

Una, ayon kay Ordanes, kinakailangan ng national databases ng senior citizens at PWDs sa bansa na magagamit ng mga nasa online businesses sa pagtukoy ng mga customer na kinakailangan mabigyan ng senior at PWD discounts.

Nabatid, aniya, na ang database ng PWDs ay hawak ng Department of Health (DOH), samantalang ang sa mga nakakatandang populasyon ay hawak ng mga lokal na pamahalaan, Department of Welfare and Development (DSWD) maging ng ibang negosyo.

Dagdag pa ng mambabatas, lumabas na kailangan din maamyendahan ang mga batas ukol sa National ID system, senior citizens at PWDs para sa mga kinakailangan na impormasyon sa tuwing gagamitin ang PhilSys ID.

Sinabi din ni Ordanes na dapat ay manatili ang mga pribilehiyo at benepisyo ng PWDs na hindi sakop ng seniors’ welfare laws kapag sila ay naging senior citizen na rin.

Pinasalamatan naman ni Ordanes ang GrabPh, mga botika at fastfood stores dahil sa ‘special features’ sa kanilang mobile apps para sa pagbibigay diskuwento sa mga senior citizens at PWDs.

Hiniling na rin niya kay NEDA Sec. Karl Kendrick Chua, ang namumuno sa National ID System, na magrekomenda ng mga solusyon para na rin sa pag-amyenda sa mga kinauukulang batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.