Task Force binuo ng DepEd para sa mga BEI

By Kathleen Betina Aenlle May 09, 2016 - 04:43 AM

 

Inquirer file photo

Naglunsad ng Election Task Force Operation Center ang Department of Education (DepEd) sa DepEd complex sa Pasig City.

Layon nitong tulungan at gabayan ang mga guro ng mga pampublikong paaralan na nagsisilbing board of election inspectors (BEIs) sa gaganaping halalan ngayong araw, May 9, 2016.

Dito gagawin ang information dissemination para sa mga BEIs, at narito rin ang mga units na magbibigay ng technical at libreng legal assistance para sa kanila sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO).

Mayroon ding mga nagmo-monitor ng mga tumatawag mula sa iba’t ibang presinto para tanggapin ang anumang katanungan mula sa mga BEIs.

Samantala, nakatalaga naman ang mga DepEd supervisors bilang board of canvassers sa iba’t ibang polling centers para naman gumabay sa mga BEIs, at sakaling may problema, sila rin ang makikipagugnayan sa command center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.