233 airport projects, nakumpleto ng DOTr sa loob ng limang taon

By Angellic Jordan November 11, 2021 - 05:39 PM

Photo credit: Sec. Art Tugade/Facebook

Natapos ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, ang 233 airport projects sa bansa sa loob ng limang taon.

Ayon sa kagawaran, simula nang maupo ang adminitrasyong Duterte noong July 2016, layon na nilang palakasin ang air connectivitiy at mobility sa bansa.

Tuluy-tuloy ang pagkakasa ng mga proyekto katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila International Airport Authority (MIAA), at Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA).

Kabilang sa mga natapos na proyekto ang terminal 2 ng Clark International Airport, Bohol-Panglao International Airport, 2nd terminal ng Mactan-Cebu International Airport, Bicol International Airport, CNS/ATM, at ang mga proyekto sa Calbayog, Kalibo, Tuguegarao, Catarman, San Vicente sa Palawan, at iba pa.

Kamakailan, pinasinayaan na ang airport projects sa Butuan, Camiguin, Siquijor, Catarman, General Santos, Zamboanga, at iba pa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang konstruksyon ng 84 pang airport projects sa bansa.

TAGS: AviationAndAirportsSectorWorks, CAAP, DOTrPH, InquirerNews, MCIAA, RadyoInquirerNews, AviationAndAirportsSectorWorks, CAAP, DOTrPH, InquirerNews, MCIAA, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.