Pagpapatupad ng alert level system sa bansa, aprubado na

By Chona Yu November 11, 2021 - 03:43 PM

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa.

Base sa Executive Order 15 na nilagdaan ng Pangulo, araw ng Huwebes (Nobyembre 15), obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito.

Kaya naman kinakailangang magpatupad ang estado ng state of public health emergency sa buong bansa sa panahong may pandemya ng COVID-19 na nakakaapekto sa buhay ng mga indibidwal at mga pamilya sa buong mundo lalo na ang mahihirap na sektor ng lipunan.

Kaakibat aniya nito ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga kaukulang hakbang at mga patakaran tulad ng mga community quarantine para sa kaligtasan ng nakararami.

Pinakabagong patakaran ay ang alert level system na batay sa mga data ay nagbibigay ng muling pagsigla ng ekonomiya kasabay ng patuloy na pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng mga tao.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na ipatutupad na sa buong bansa ang alert level system sa ilalim ng apat na yugto.

Unang yugto na kasalukuyan nang ipinaiiral ay sa National Capital Region, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11.

Phase 2 ay sa Regions 1, 8 at 12

Phase 3 ay sa Regions 2, 5, at 9

At Phase 4 ang Cordillera Administrative Region, Regions 4B, 13, at BARMM.

Nakasaad sa kautusan na ang paglilipat na sa Phase 2 ay maaaring ipatupad anumang oras ng pagiging epektibo ng kautusang ito, o sa bisa ng pagtatakda ng IATF pero hindi dapat lumagpas ng pagtatapos ng Nobyembre 2021.

Ang mga susunod na yugto aniya ay magsisimula kada linggo hanggang sa full nationwide implementation.

TAGS: AlertLevelSystem, BreakingNews, CommunityQuarantine, COVIDresponse, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TagalongBreakingNews, AlertLevelSystem, BreakingNews, CommunityQuarantine, COVIDresponse, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TagalongBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.