Ito ay kung papasok si Duterte-Carpio sa national polical arena sa 2022 elections.
Sinabi pa ni Cayetano na tiyak na malaki ang impact ni Duterte-Carpio kung tatakbong presidente o bise presidente.
Pero sa ngayon, mas makabubuting hintayin na lamang kung ano ang magiging desisyon ni Duterte-Carpio.
Hanggang Nobyembre 15 ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga kakandidato sa 2022.
Huwebes ng umaga, November 11, nagbitiw na si Duterte-Carpio bilang chairman ng kanyang regional political party na Hugpong ng Pagbabago.
Wala pa namang anunsyo ang kampo ni Duterte-Carpio kung tatakbong presidente o bise presidente matapos mag-withdraw ng kandidatura sa pagka-mayor ng Davao City.