‘Walang banta ng kaguluhan ngayong eleksyon’-AFP

By Ruel Perez May 09, 2016 - 04:37 AM

 

Inquirer file photo

Walang matinding banta na natatanggap ang miltar na posibleng magdulot ng aberya sa pagsasagawa ng eleksyon bukas.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, walang dahilan para mag-alala ang publiko.

Kumpiyansa si Padilla na sapat ang mga tauhan ng AFP at PNP na naideploy nila sa ibat ibang panig ng bansa.

Kasabay nito ang umapela si Padilla sa publiko na maging alerto at mapagmasid at tulungan silang mabantayan ang sitwasyon upang mairaos ang eleksyon nang walang nangyaring gulo, aberya at mapayapang makapag proklama ng mga nagwagi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.