Pagpapatrolya sa gabi, sisimulan na ng PNP para sa holiday season

By Angellic Jordan November 11, 2021 - 03:07 PM

Photo credit: General Guillermo Eleazar/Facebook

Nagpaalala si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa mga pulis na simulan na ang pagpapatrolya sa gabi kasunod ng holiday season.

Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng kabataang mangangaroling, na bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino.

“Inatasan ko ang ating kapulisan na mag-umpisang magsagawa ng mga patrolya tuwing gabi para sa seguridad ng mga nangangaroling at para na rin siguraduhing sumusunod sila sa health protocols,” pahayag ni Eleazar.

Hinikayat naman ng PNP chief ang publiko na sundin pa rin ang health protocols at iwasang magpakampante sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.

“Mas sasaya ang ating Kapaskuhan kung tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga COVID-19 cases at kapiling pa rin natin at walang anumang karamdaman ang ating mga mahal sa buhay,” ani Eleazar.

TAGS: Christmas2021, ChristmasCarol, GuillermoEleazar, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Christmas2021, ChristmasCarol, GuillermoEleazar, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.