Bilang ng fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa, higit 30.4-M na

Photo credit: Mayor Oscar “OCA” Malapitan/Facebook

Umabot na sa 30.4 milyong Filipinos ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumakatawan ito sa 39.5 porsyento sa target adult population sa buong bansa.

Sinabi pa ni Roque na 100 porsyento ng target adult population sa Metro Manila ay nakatanggap na ng first dose.

Sa ngayon, nasa 66.8 milyon na ang kabuuang bilang ng nga bakunado sa Pilipinas.

Ayon kay Roque, noong Nobyembre 10, isang milyong katao ang nabakunahan sa loob lamang ng isang araw.

Read more...