Hindi na nakapalag ang dalawang lalaki nang arestuhin sila ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos magbenta ng apat na bricks ng marijuana sa Mariveles, Bataan.
Naaresto sa buy-bust operation sina Challkis Katoken, 23 at Kari Briggs, 23, kapwa residente ng Baguio City.
Binentahan nila ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer alas-2:15 kaninang madaling araw.
Nakumpiska din kina Katoken at Briggs ang dalawang plastic bags na naglalaman naman ng fruiting tops.
Aabot sa P600,000 ang halaga ng droga na nakuha sa dalawa, na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES