Pangulong Duterte siningil sa pangako ng mga apektado ng NLEX-SLEX connector project

By Chona Yu November 11, 2021 - 12:13 PM

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Muling nagsagawa ng kilos-protesta ang mga residente ng Sampaloc, Maynila na maaapektuhan ng konstruksyon ng NLEX – SLEX Connector project.

Partikular na tumutol sa demolisyon ay mga residente ng Dapitan at Antipolo streets.

Sinabi ni Mariano Fesarillo, pangulo ng Samahan ng mga Maralitang Residente sa Tabi ng Riles, aabot sa 150 pamilya ang apektado ng isinasagawang demolisyon.

Pag-amin naman niya na wala silang titulo sa lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay, kundi ‘rights’ lamang ang kanilang hawak.

Kasabay nito ang kanilang pag-apila kay Pangulong Duterte na bigyan sila ng maayos na relokasyon bilang pagtupad sa pangako na walang magaganap na demolisyon hanggang walang relokasyon.

Pagdidiin din ni Fesarillo hindi sapat ang P12,000 kapalit sa paggiba ng kanilang tahanan, gayundin ang 30 araw na palugit para lisanin nila ang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.