OFWs at kanilang pamilya hiniling ni Sen. Cynthia Villar na dumalo sa summit
Hinikayat ni Senator Cynthia Villar ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs), maging ang kanilang pamilya na makilahok sa 10th OFW and Family Summit sa darating na Nobyembre 19 sa ganap na alas-9 ng umaga.
Ang paglahok ng OFWs at kanilang pamilya ay sa pamamagitan ng Zoom at Facebook live.
“We invite our OFWs and their families to participate virtually in the summit. Registration is currently open at https://ofwsummit2021.villarsipag.org/registration,” ayon sa senadora.
Dagdag pa ni Villar ang tema ng pagtitipon ngayon taon ay, ‘Masiglang Kabuhayan sa Bagong Panahon’ na aniya ay para makapamuhay pa rin ng normal at masaya ang lahat sa kabila ng mga hamon dulot ng kasalukuyang pandemya.
Paliwanag nito, maraming makukuhang kaaalaman ang OFWs sa summit partikular na sa mga maari nilang gawin habang nagta-trabaho sa ibang bansa.
“This is an opportunity for them to learn how to protect their hard-earned money against scammers and how to invest them wisely. We also want to ensure their welfare and protection abroad and those of their loved ones who were left behind in the country,” diin nito.
Maipapaliwanag din sa pagtitipon ang kanilang mga karapatan gayundin upang hindi sila mabiktima ng human trafficking, illegal recruitment and investment scams.
Ang mga dadalo sa summit, na isasagawa sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ay maaring din manalo ng bagong bahay at lupa, pangkabuhayan packages at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.