Sa pamamagitan ng video conference ay dadalo si Pangulong Duterte sa 2021 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leader’s Meeting simula ngayon araw hanggang bukas.
Ayon sa Malakanyang, makakasama ni Pangulong Duterte ang kanyang APEC counterparts sa 28th AELM high-level discussion na pamumunuan ng New Zealand.
Inaasahan na matatalakay sa pulong ang lagay ng ekonomiya at ang mga maaaring gawing hakbang para sa mabilis na pagbangon bagamat nanatili ang pandemya na dulot ng COVID 19.
Dadaluhan din ng Pangulo ngayon araw ang APEC Business Advisory Council dialogue kasama ang economic leaders.
Ipapaliwanag ni Pangulong Duterte ang posisyon ng bansa sa ‘inclusion and sustainability challenges ngayon may pandemya, gayundin ang climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.